I thought this is an appropriate song for today's occasion which is the International Women's Day.
SABON
by Kalantog
Lyrics by Joi Barrios
Music by Rica Saturay-Palis
Sa telebisyon ang babae'y nakakahon
nakakahong parang bareta ng sabon
maging sabong panlaba o sabong pampaganda
babae ang laging bida.
Kapag sabong pampaganda, lagi nang nang-iinggit
dahil mapanghalina ang kutis na makinis
Kapag sabong panlaba, masayang ginigiit
Kapag sabong panlaba, masayang ginigiit
na kahit 'di ikula ay puputi ang damit.
Sa telebisyon ang babae'y nakakahon
nakakahong parang bareta ng sabon
maging sabong panlaba o sabong pampaganda
babae ang laging bida.
At bago magwakas itong ating patalastas
lalaki ang nagpapasalamat
kutis ng kanyang nobya kaysarap haplusin
labada ni misis kay bangong amuyin.
Sa telebisyon ang babae'y nakakahon
nakakahong parang bareta ng sabon
maging sabong panlaba o sabong pampaganda
babae ang laging bida.
Heto ngayon ang tanong sa bidang nakakahon
wala ba siyang pangarap o ibang ambisyon
sa tinagal ng panahon dadal'wa ang posisyon
Dakilang katulong o isang dekorasyon.
Sa ganitong pagkakataon
Natutunaw na ang sabon
Ang bidang ikinahon lalabas ng telebisyon
Upang harapin ang bagong ambisyon
Sabunin, kusutin, pigain ang sa kanya'y nagkahon!